Free Talk

Trauma pt2

Everytime na mag a-away kayo at gusto mong umalis ito ang maririnig mo sa kanya. "Walang ibang magmamahal sa'yo ako lang" "Pasalamat ka pinagtuatyagaan pa kita" "Ako lang ang nagtiis sa ugali mo". Dumating din sa point na umalis ka kasi iniharap na sayo yung bagong gf/supply nya habang kayo pa. Umalis ka.. Nag pakalayo. No contact. Mga 6 months. Nagsisimula ka na ulit buuin ang buhay mo hanap ng work. Simula ulit sa umpisa. Kahit gaano kahirap sinikap mo. Kahit hirap ka emotionally at mentally. Kasi namimiss mo sya. Dumating pa sa point ng buhay mo na kapag mag 5pm na nakakaramdam ka ng takot na di mo alam san nanggagaling. Nanginginig buong katawan mo. Araw-araw yun. Ikaw naman nilalabanan mo. Wala kang pinagsasabihan ng mga saloobin mo kasi nahihiya kang i-judge ng ibang tao. Kahit mga kaibigan o ka office mate mo. Iiyak ka na lang. Kahit sa pagtulog pagod na yung katawan mo pero isip mo magulo. Nung medyo umuusad ka na... Magpaparamdam na ulit yan... Tatawagan ka or di kaya gagamitin ibang tao para maka-usap ka. Nangungumusta, dadaanin ka na sa mga drama. "Nahuli ko si ano, niloko nya ako" may kasamang iyak yan. " Sorry na, ikaw naman talaga ang mahal ko. Napilitan lang akong patulan yun kasi.. Napakaselosa mo, nakakasakal, napakademanding mo kasi." Gaslighting na agad...di mo alam yung kasi nasa trauma bond ka pa kahit na akala mo ok ka na hindi pa. Pag ganun yung sinasabi sayo ikaw naman mapapaisip ka na " Baka ako nga ang problema " Sasabihin pa sayo na "ayusin na lang natin to" "Mahal naman talaga kita, magbabago na ako. " Boom!! Tepok ka na naman.. Kasi binigay mo na naman yung tiwala mo sa mga drama nya! Balik ka na naman sa cycle. Pero everytime na nasa love bombing stage ka nagbabago ang ibinibigay nya sayo mas lalo kang mapapaisip na "Oo nga nagbago na sya" "Ay oo nga mahal nya talaga ako" Todo na naman ang effort araw araw date, araw araw may gifts, mas madalas na out of town, ililipat ka sa maayos na bahay. At bibigyan ka na nya ng budget para sa sarili mo. Pero kailangan lahat ng gastos mo may resibo. Pag may natira sa pera mo kailangan alam nya. Kontrolado ka sa finance. Pero ikaw na baliw na sa cycle. Go lang. Lahat ng gusto nya susunod ka. Pati pananamit. Kilos at ayos. Lahat. Robot yern? (Next part)

Viewed by 5 people
Comment
No comments yet. Be the first to share your thoughts.

More Posts to Explore