Trauma
Kapag alam mo na ang cycle and patterns ng narcissist unti unti ka ng magigising sa katotohanan. Dun na lalabas ang mga traumatic experience mo na hindi mo napansin. Maalala mo bigla yung isang gabi na masaya kayong mag-kasama tapos bigla kang iiwan sa lugar kung saan kayo nagpunta. Halimbawa sa bar kung saan kasama mo mga kaibigan nya. Nagkakasiyahan kayo nagkwentuhan. Biglang iiwan ka sa ere. Wala kang dalang sarili mong pera kasi kampante ka. Ngayon magkakandarapa ka hanapin sya. Ayaw mo naman na magkaroon ng hinala mga kaibigan nya kaya ikaw tahimik na maghihitay sa kanya. Hanggang nag-uwian na sila ikaw di mo alam gagawin kasi nga baka bumalik tapos wala ka dun away yun. Hanggang ikaw maglalakas loob ka na lang tawagan kaibigan mo para sunduin ka. Wala kang kibo pag tinanong ka. Tapos pag uwi mo ng bahay madadatnan mo tulog. At pag gising nya itatanong sayo "ano oras ka umuwi? , sino naghatid sayo? , bakit di ka agad umuwi nung umalis ako!? Sya pa ang galit. Kahit na nakailang tawag at text ka sa kanya Di ka sinasagot. Dun na maguumpisa ang away nyo na para bang ikaw ang may kasalanan at ikaw yung nagloloko. Napapaiyak ka na lang sa sobrang sama ng loob. Kahit mga kaibigan nya paghihinalaan nya na may ginagawa kayong masama. Samantalang sya ang may ginagawa behind your back. Meron pang mga times na pag nasa labas kayo bigla sya mag aayang umuwi ikaw naman gusto mo lang sumama sa kung saan sya pupunta bigla yan magwawala kahit nanjan sa harap yung driver nya tapos pag di ka bumaba ng kotse ibabato sa mukha Mo yung susi ng kotse hanggang sa dumudugo na lang yung mukha mo dahil tumama na pala sa noo mo at malapit sa mata mo yung susi, sa bigat at sa tulis ba naman nun. Tapos pag uwi nya may dala yang pasalubong sayo. Mag sosorry tapos lalambingin ka na parang walang nangyari. Ikaw na Hooked na sa sistema ng Highs and lows patatawarin mo ulit. Karamihan sa mga biktima ng narcissist hindi nagsasalita tungkol sa abusive relationship nya minsan sa kahihiyan or minsan naman ay dahil alam nila walang maniniwala sa kanila kasi nga iba ang ipinapakita ng isang Narcissist sa labas, Sila yung pinaka-mabait, matulungin, mapagmahal, maaalalahanin, galante na akala mo mo anghel na galing sa langit. Pero pag nasa bahay na dun lalabas ang totoo. Anghel na galing sa ilalim ng lupa ang pagkatao. (See part 2)