Free Talk

Communication

Two nights ago, my partner went out to get me meds for my tummy ache. Sinabi ko sa kanyang huwag na, itutulog ko na lang, pero he insisted. Minutes passed, he came rushing to the room, collapsed into the bed, his face very much worried. Tinanong ko kung bakit, hindi siya makapagsalita sa sobrang stressed niya. I don't like the feeling of anticipation kaya pinilit kong ikwento niya kung anong nangyari. Turns out, while driving daw, nahulog niya yung phone niya. Naka-ebike lang kaya talagang exposed siya outsde. He didn't realize it at first but when his airpods disconnected, that's when he knew. Tinry niya daw balikan yung dinaanan niya and may part pa na bumabalik yung connection. Until nakita niya daw na may tatlong motorcycle riders na sunud-sunod umalis at supposedly may dinampot yung isa. Tinry niya pa raw habulin at busina siya nang busina but sadly, di niya naabutan since mabagal lang naman yung ebike. Pinagmumura na daw siya ng ibang mga driver kasi sa paghabol niya, nagcocounterflow na siya. Sorry siya nang sorry sa akin. Sabi niya tatanggapin niya daw ang sasabihin ko kung aawayin ko siya. Pinipigilan ko na raw siyang lumabas pero nagpumilit siya. Ilang beses ko raw sinabi na wag siyang lalabas na may dalang phone na hindi ako kasama, pero ginagawa niya pa rin. Kaya daw nangyari ito. Magagalit ba ako? This all happened because he was worried about me crying the whole day dahil sa sakit ng tiyan. He was out alone for me, at inisip niyang magagalit ako sa kanya dahil sa nangyari. Of course I was stressed. Umiyak ako kasi nakakastress naman talaga ang nangyayari. I was calling his number countless of times pero wala, cannot be reached na. I told him importante yung phone kasi nandun lahat ng kailangan niya plus yung mga detail, online banking, lahat ng importante. Pero mas importante na umuwi siya sa akin, at umuwi siya nang buo. Nakwento niya sa akin something about an episode of Forensic Files. May isang case daw doon na accidentally nagamit nung babae yung pera ng company nila ng asawa niya, and sa takot na malaman ng asawa niya na pumalpak siya at madisappoint ito sa kanya, napatay niya yung asawa. Yun daw ang naiisip niya habang nasa labas siya at nagiisip kung paano aaminin sa akin yung nangyari sa phone. Sabi niya, naisip niya na wag nang umuwi. Or umuwi lang tapos aalis na at uuwi sa kanila sa QC. Or sabihin daw niya na nahold up siya. But he opted to tell me the truth because he knew I’d understand. Alam niyang magagalit ako pero maiintindihan ko ang nangyari. That’s when I fully understood the importance of communication in a relationship. When you did something wrong, or when something happens to you that might cause your partner to get mad, tell them still. Huwag kang maglilihim because that’s your person. They’re supposed to understand. Let them get mad, kung magalit man pero piliin mo palaging maging totoo sa partner mo. Walang nasosolusyunang problema kapag hindi nagpaguusapan. If you'll ask us ano ang take away namin sa nangyari besides trusting your partner and communicating everything with them.. Mine: if he didn't mean it, hindi na para sa kanya ko pa isisi ang nangyari. Hindi niya sinadya, hindi niya ginusto. The last thing he'd want from me is yell at him even if he says it's okay to tell him "I told you so". His: trust your partner's instincts. Makinig sa lahat ng sinasabi niya. Hahaha cutie.

  • Relationship
  • Communication
  • Love
Viewed by 2 people
Comment
No comments yet. Be the first to share your thoughts.

More Posts to Explore