Free Talk

Hindi mo kasalanan pt. 4

May mga gabi na hindi ka na tinatawagan samantalang dati halos oras oras kung mag update. Anjan na rin yung mga LIES na "sa bar lang kami ng mga friends ko". Kahit gusto mo sumama di pwede kasi " For the boys " Lang daw. Ikaw mukmuk ka sa bahay. Di ka pwede lumabas ng di sya kasama. Mapapansin mo na rin na minsan tatawagan mo nakapatay cp. Sasabihin sayo walang signal or low bat. Hanggang isang araw malalaman mo na lang na may kinakalantaryo na palang iba sa labas. At kapag kinompronta mo todo ang deny. "Tawagan mo pa si ano.. Kami ang magkakasama.. May ebidensya ka na ako yun.. Sinungaling ka.. Kung ano ano inimbento mo! " Nanjan pa yung Alam mo yung oras ng tulog nya sasabihin sa'yo "masama pakiramdam ko, papahinga lang ako tawagan na lang kita mamaya" Ikaw si hintay ng tawag hanggang inabot na ng kinaumagahan at Hapon na wala pa rin tawag. Pagtinawagan mo di ka sasagutin kasi wala sa bahay nila. Nasa bagong supply nya. Kapag ang bagong supply ehhh kumagat sa pain ng Narcissist kawawa ka. Dito mo na mararanasan yung di ka na kikitain.. Madalang ka na tawagan.. Syempre ikaw mtataranta kasi imagine iiwan ka ng Narcissist na zero balance. Walang trabaho wala kang sariling pera.. Wala kang kaibigan kahit kapamilya. Dun na maguumpisa ang mga masasakit na salita at mura na maririnig mo. Lalo na kapag nalaman mo ang tungkol sa bagong supply. Nanjan yung sasabihan ka na "b@7iw ka ba?... Wala kang magawa sa buhay mo magtrabaho ka kaya!" May kasama pang mura yun.. Degrading talaga. Tapos kinabukasan babalik yan na parang walang nangyari. Ni walang Sorry.. Pero may dalang regalo. Or kaya lalabas kayo date ba... Tapos lambingang. Intimate moment nyo grabe to the max na para bang ikaw ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Ikaw naman medyo Namamanipula ka na nya kahit sa bed. So lahat ng away at lies nakakalimutan mo. Dito na yung tinatawag na Highs and lows. Unti unti ka ng naadik sa ganitong sistema. Kapag alam mo na ang NPD makakaalis ka kaagad. Pero kung di mo alam ang ganitong disorder medyo mas matatagalan kasi kontrolado ka na. Nanjan pa yung sasabihan ka na ikaw ang may ibang kinakalantaryo. Ibinintang sayo ang kasalanan nila. Gaslighting, manipulation at minsan mauuwi sa depresyon, panic attack, anxiety. Minsan mas masasabi mo pang ayaw mo na talaga. Pero pag medyo matagal ka na sa ganitong sistema nahihirapan ka ng umalis lalo na kung decades of manipulation. Pero kaya mo... Ikaw na nagbabasa nito.. Kaya mo Tandaan mo paulit ulit lang ang cycle and patterns. Kaya alamin mo ang patterns ng Narcissist. Para hanggang maaga pa makaalis ka na sa ganitong sitwasyon. Hindi tao ang narcissist... D3m0ny0 sila na nagkatawang tao. Ganon sila kasama. (May karugtong)

Viewed by 4 people
Comment
No comments yet. Be the first to share your thoughts.

More Posts to Explore