Free Talk

Hindi mo kasalanan pt. 3

Pag ok na ulit kayo at nararamdaman mo na mahal naman nya ako talaga. Kasi todo effort di'ba. Magtatagal yan ng mga 1 month hangang 4 months. Yung kapag hooked na hooked ka na ulit sa kanya. Ito na yung time na sa totoo lang eh bored na sya sa'yo. At eto pa di mo napapansin nawawala na unti unti ang circle of friends mo. Kasi araw araw ka nya kasama. Misan kapag nagpapaalam ka sa kanya na kikitain mo mga friends mo. Ito ang isasagot sayo. "Ayoko sa mga friends mo na yan mga BI yang mga yan. Layuan mo yan. " Ikaw naman susunod ka kasi tatakutin ka pa na "Ako o yang mga kaibigan mong walang kwenta? " Syempre ikaw lalayo ka na lang para wala ng away. Kasi ayaw mo na ng bigla na lang walang dahilan umiinit ang ulo nya. Para kang naglalakad or they called it "you're walking on the egg shells" Hindi mo napapansin palalim na ng palalim ang pag mamanipula nya sayo. Ang masakit jan pinatigil ka sa trabaho kasi nga mas gusto nya na sa bahay ka lang at malayo sa mga taong pwede mo makasalamuha. Kaya naman nya mag provide kasi nga may pera sya. Pag sinabi nya na sa bahay ka lang wag ka lalabas sa bahay ka lang. Wala ka ng mundo kundi sya lang. Paglulutuan mo, aasikasuhin mo, lahat ng ginagawa ng isang butihing asawa gagawin mo take note di pa kayo kasal boyfriend mo pa lang sya. Walang plano. Ito na... Di ba nung unang discard nya sayo di mo na pansin kasi todo effort sya di ba. Sa tagal ng sabihin na natin 4months...bored na bored na yan. Kailangan na nya ng bagong supply... May biglang business meeting na yan.. May biglang "kasama ko mga friends ko gimik lang kami" At unti unti na ulit ang discard nya sayo ng di mo napapansin. Kasi nga naman di mo nalaman yung ginawa nya nung unang discard or no contact nyo remember. Wala na sa isip mo yun. Kasi tomodo ng effort diba. (NEXT)

Viewed by 4 people
Comment
No comments yet. Be the first to share your thoughts.

More Posts to Explore