Hindi mo Kasalanan pt. 1
Hindi mo kasalanan na magmahal ng isang Narcissist. Ang kasalanan mo ay hindi mo agad nakita ang mga "Red flags" kasi nabubulagan ka sa "Love bombing" tapos akala mo mahal ka talaga. Di mo alam pinagaaralan ka nya. Pag "Hooked" ka na sa "Love Bombing" Unti-unti ka ng ide-discard. Ikaw naman malilito "anong ginawa ko bakit ganito? may mali ba sa akin?.. Binigay ko naMan lahat ng gusto nya?.. " Syempre magtatanong ka sa kanya.. ang isasagot nya sayo "Ang drama mo!.. " Ayusin mo nga ugali mo!.. " Then nakakaranas ka ng pangmamaliit, anjan na yung nakakarinig ka na ng mga salitang "ang t@ng@ mo! ... Wala kang alam kasi 8080 ka!" Misan kahit pabiro pang sasabihin sayo di mo mapapansin. "San galing yang damit mo mukha kang katulong" Kahit sa tingin ay ok naman ang suot mo. May mga maliliit na bagay na syang ikinaiirita sayo. (TO BE CONTINUED)