Hindi mo kasalanan pt. 2
Then anjan na yung di ka nya tatawagan or itetext ng ilang araw minsan abot pa ng isang linggo. Ikaw naman syempre tatawag ka.. Di sasagutin minsan iba-block ka pa. Itetext mo walang reply. Hanggang magsawa ka. Ikaw na yung mag-iisip ng kung ano-ano. Iiyak kasi alam mo sa sarili mo wala kang ginawang mali. Tatahimik ka dahil baka nga need nya ng space. After 1 or two weeks na walang paramdam. Medyo ok ka na matatanggap mo na, na baka hanggang dun lang talaga kayo. Tahimik na.. Di ka na nangungulit wala ka ng tawag or text sa kanya. Minsan masasabi mo pa na "No Closure is already a Closure". Lumalabas ka na ulit kasama ng mga kaibigan mo. Post ka na sa social media. Di mo alam kumukuha na sya ng info. Pag nakita ka na nya na masaya kasama ng mga kaibigan mo. Ayan na biglang tatawag or text yan. " Hi how are you or kumusta ka? " Pag di mo na nireplyan tatawag na yan... Pagsinagot mo ayan na yung "Drama" nila kesyo ganito kesyo ganyan.. may kasama pang fake na sorry yan. Minsan iiyak pa yan para makuha nya ulit simpatiya mo. "Love sorry.. I love you... I miss you. " Syempre ikaw naman wala ka pang alam sa tunay na pagkatao. Bibigyan mo ng another chance. Liligawan ka ulit... Ayan na ulit yung " Love bombing" stage. Pero this time mas kakaiba mas nakakakilig mas may effort. Nanjan ang bulaklak, chocolates dinner sa labas. Out of town.. Lalo na kapag may pera yung Narcissist sisilawin ka talaga sa pera.