Free Talk

Maling panahon...

Maling panahon… iba talaga yung tama niya. Hindi siya yung tipong sakit na may galit... ito yung sakit na tahimik, yung tipong mahal niyo naman isa’t isa pero hindi kayo pinayagan ng mundo. Pareho kayong handa. Pareho kayong totoo. Pero parang may mali sa timing... parang dumating ka sa buhay ko nung hindi pa ako pwede… o hindi pa tayo pwede. At yun yung pinakamasakit eh... hindi kita pwedeng sisihin. Hindi ko rin masisi sarili ko. Walang kontrabida sa kwento natin, pero tayo yung talo. Siguro nga… hindi lahat ng tama pinagkakalooban ng tamang ending. Minsan kailangan mong mahalin yung taong alam mong hindi mo dapat mahalin... para lang maramdaman mo kung gaano ka lalim magmahal. At kung pagkakamali man na minahal kita… ikaw yung pagkakamaling uulitin ko pa rin, kahit alam kong sa dulo, ako rin yung mawawasak. Kasi sa lahat ng sakit na binigay mo, hindi ko kayang itapon yung mga alaala. Para kang librong alam kong hindi maganda yung ending... pero babalikan ko pa rin, babasahin ko pa rin, kahit paulit-ulit akong nasasaktan. Ang totoo? Masaya ako nung mali tayo. Kasi kahit sandali lang, naramdaman ko kung paano mahalin at mahalin pabalik... kahit sa maling panahon. At siguro yun yung pinaka masakit na realization: nahanap kita bilang “tama”… pero dumating ka nung mali na lahat.

Viewed by 2 people
Comment
No comments yet. Be the first to share your thoughts.

More Posts to Explore