Free Talk

Ano nga ba ang soulmate?

Ang soulmate ay isang kaluluwang konektado sa iyo bago pa man kayo isinilang. Maaaring nakasama mo na sila sa past life, o bahagi na sila ng nakaraan spiritual soul group. Dumadating sila sa buhay mo hindi lang para mahalin ka kundi para turuan ka ng pagmamahal sa sarili, pagpapatawad, at tunay na koneksyon. Mga senyales na soulmate mo ang isang tao: Parang kilala mo na sya, kahit bago pa lang kayo nagkita. Komportable ka kaagad maging totoo sakanya, naiintindihan ka nya kahit hindi mo sabihin. Hindi toxic at marunong humingi ng tawad at makinig, nagbabago ka for the better, hindi dahil pinilit ka, kundi dahil ginising nya ang best version mo. Minsan kahit hindi kayo magkatuluyan, may malaking epekto sya sa buhay mo. Ang layunin ng isang soulmate ay para tumulong sa iyong paghilom emosyonal, mental, at minsan pati karmic wounds. Gabay sa tamang landas ang presensya nila ay parang ilaw na nagtuturo ng direksyon. Ipaalala kong sino ka talaga kapag kasama mo sila, naging panatag ka. Ang soulmate ay hindi lang para kiligin ka kundi para iparamdam kung gaano ka dapat mahalin sa tamang paraan. Your soulmate is not just someone to love, but who will help you love yourself even more. One day, when the universe align just right, you’ll find each other. Or maybe, just maybe you already have.

Viewed by 2 people
Comment
No comments yet. Be the first to share your thoughts.

More Posts to Explore