Free Talk

Bawal ka naman palang mahalin... pero bakit ka pa dumating

Dumating ka sa panahong patay na ang lahat sa loob ko... wala nang inaasahan, wala nang hinihiling. Tahimik na ang mundo ko, hindi na masaya… pero payapa. Nakalimutan na kita...o nilibing ko lang nang buhay yung alaala mo para hindi na ako masaktan. Pero bumalik ka… at sa pagbalik mo, binuhay mo lahat ng matagal ko nang pinatay. Bawat ngiti mo, bawat salita mo... parang unti-unti mong hinukay yung puso kong pilit kong tinago. At ang pinaka-masakit? Ikaw yung taong nagparamdam sa akin ng tunay na pagmamahal... yung pagmamahal na akala ko hanggang panaginip lang. Yung unang beses kong naramdaman na “ito na yun”… pero mali pala ako. Kasi habang minamahal kita nang totoo, dun ko rin naramdaman kung gaano kasakit ang magmahal ng hindi pwede. Yung buo ka, pero wala kang karapatan. Yung mahal mo siya, pero kailangan mong itago...parang kasalanan. Hindi ka na dapat… pero ikaw pa rin. Sa dami ng laban na pinili kong talunin, ito yung laban na kahit anong tapang ko, talo na ako simula pa lang. At araw-araw, unti-unti akong nauubos... hindi dahil iniwan mo ako… kundi dahil hindi man lang kita pwedeng ipaglaban. Bawal ka… pero ikaw yung naging dahilan kung bakit gusto kong maniwala ulit sa pag-ibig... at ikaw rin yung dahilan kung bakit natutunan kong mas masakit pala ang magmahal kapag hindi ka pinapayagan ng tadhana.

Viewed by 4 people
Comment
No comments yet. Be the first to share your thoughts.

More Posts to Explore