Sukli....
Tumigil ang mundo ko nung tinawag mo kong "kuya" kung kelan gustong gusto na kita! Di ko alam pano ako na in love sayo, kasi noong una walang wala ako kahit na konting feelings sayo. Pero ngayon deds na deds ako sayo! Ibibenta ko yung kapitbahay namin sa alien mapasakin ka lang. Noong unang kita ko palang sayo alam ko na maganda ka, pero wapakels ako sayo ulol na aso pa kasi ako noon na habol ng habol sa prinsesang un! Pero bigla na lang isang araw nakatabi kita... Nakausap kita... Nakatawanan, nakapalagayang loob, saka ko lang nakita ang bahaghari sa paligid mo. Naakit ako, kaya ayon lumapit!tapos lumapit pa... At mas lumapit pa. Hanggang sa heto na nga ako at naging stalker mo. Lahat ng social media accounts mo naka follow ako, bawat post mo "heart" ko yan kahit na "use data to see photos", basta post mo kahit di ko alam click lang ng click. Adik na adik talaga ko sayo, pero tuluyang nahulog ang loob ko sayo nung nagkasabay tayo sa jeep. Pag baba ko lumingon ka, ngumiti at kumaway.. Never ako lumilingon sa mga kasama ko pag bumababa ako sa jeep, pero ewan ba nung time na yun lumingon ako. Ayun laglag ang puso ko! Sa ganda ng ngiti mo parang heart-throb ako sa pelikula na ngumiti din pabalik sayo. Nakatext na kita, ewan ko kung san mo nakuha number ko. Atleast ikaw ang unang nagtext! "Suspended na ba class ngayon?" Of all the people na kilala mo sa school na pinapasukan natin ako pa tinanong mo, Ano ba un hokage moves lang or ewan? Pero pinatulan ko din naman yang move mo, hanggang sa yung paisa-isang text naging madalas na, yung text nauwi na sa tawagan, hanggang nauwi sa Iloveyou-han! Ang bilis! Real quick! Pero hindi rin... Di rin naman ganun kadali ang nangyari. That time nalaman ko kahihiwalay nyo lang ng boyfriend mo for 3 years, at alam kong nasa moving on stage ka pa! Umiwas ka saken kasi ayaw mong maging panakip butas ako pero gago ako e pinilit kita! Sinabihan pa kita na "mag move on ka sa tabi ko, dito ka lang saken habang nasa process ka pa!" Loko di ba? Naging akin ka... Sobrang saya ko kasi may makakasama na ko, may partner na ko! Ikaw ang tinuring kong bestfriend ko. Halos parehas tayo ng trip, kausap kita about pulitika, solar system, aliens, phobia, time travelling, horror, at astrology. Marami tayong nalaman sa isa't-isa nalaman ko na aries ang zodiac sign mo, at nyctophilic ka. Mahilig sa Gothic black at Anime, writer ka at more on tula ang ginagawa mo. Marami ka din nalaman about saken. Mga pinagdaanan ko, kwento ng buhay namin ng papa ko, mga hilig ko at mga kinatatakutan ko. Dun ko din nalaman na crush mo ko, na stalker kita! May mga screenshot ka ng mga post ko...Alam mo na takot akong malibing ng buhay o magising na nasa loob ng kabaong na nakabaon sa lupa. Alam mo din na takot ako sa palaka, alam mo din na mahilig ako sa paranormal things na sya namang meron ka. Lalo akong naging interesado sayo nung nalaman ko na open ang third eye mo. Sobrang amaze na amaze ako sa pagkatao mo. Lalo ko pang ikinatuwa nung tawagin mo ako sa tunay na pangalan ko, na pipiraso lang sa mundo ang nakakaalam. (prinsipe) ang kahulugan. Nabadtrip ka pa nga kasi prinsipe ako tapos ung pinagseselosan mo ay prinsesa, kaya halos kwelyuhan mo ko sa inis... Ok lang saken ganunin mo ko sa harap ng mga kaibigan ko, kasi alam ko na mahal na mahal mo ako kaya ka nang gagalaiti sa galit. Pinaramdam mo saken na ayaw mo ko mawala, na nung mga oras na yun ko lang naramdaman. Gulat na gulat nga ang mga kaibigan ko dahil nagawa mo un sa leader nila. Which is takot na takot sila saken pero sayo lang ako takot. Ikaw ang boss ng boss, ika nga nila. Ikaw ang masasabi kong pinaka nakahawak sa puso ko ng sobra, na halos isuko ko na ang lahat wag ka lang mawala. Ikaw ang masasabi kong pinaka nakahawak sa puso ko ng sobra, na halos isuko ko na ang lahat wag ka lang mawala. Ikaw kasi yung unang babaeng humawak sa pasmado kong kamay na never nagreklamo at nandiri saken, ang totoo nyan nahihiya nga ako kaya panay ang alis ko ng kamay ko pero sabi mo "ano naman kung basa ang kamay mo, Problema ba yan e di punasan pero after hahawakan ulit!" Ikaw lang yung tumanggap ng buong buo sa akin, mula sa estado ng pamilya ko, sa ugali kong sobrang paranoid, sa mga bisyo ko at mga kinahihiligan ko. Ikaw lang yung kaisa-isang babaeng pumutol ng sigarilyo ko. Ikaw lang ung kaisa-isang babaeng kumumpiska ng lighter ko at nakapagbawal saken manigarilyo ng ilang buwan. Ikaw lang ung babang kukunin yung shot ko para kunsensyahin ako na nalasing ka, dahil sa pagiging palainom ko. Ikaw lang yung babaeng nagpahatid ng cake at chocolate drink sa classroom with a note na "goodmorning. Goodluck sa exam, kumain ka!" Pakiramdam ko nasa langit na ko ng mga time na yun. Ikaw lang yung babaeng humahawak sa pisngi ko, tititigan ako at magsasabi ng "mahal na mahal kita, akin ka lang!" Ikaw yung babaeng bumuo ulit ng pangarap ko.Akala ko noon boring na forever ang buhay ko... School, tambay, inom, yosi, dota, cp, bahay, tulog, tapos uulitin lang kinabukasan. Dati bumabangon lang ako para masabing buhay ako, pero nung nakilala kita... Di pa ko bumabangon alam kong buhay ako kasi nasa buhay kita. Maraming bagay akong nagawa dahil sayo... Nakapag set-up ako ng romantic date sa favorite place natin, kinuntsaba ko pa mga kaibigan ko para kantahan tayong dalawa ng team song natin. Nasubok din ang cooking skills ko para sa date natin na yun, Pero salamat naman at nagustuhan mo. Nagawa ko rin gamitin ang skills ko sa pag guhit para maibili kita ng favorite mong stufftoy. Di ko talaga ginagamit ang skills ko sa pansarili kong kagustuhan, kasi para saken ang skills na yun ay para sa pagtulong. Pero para sayo binali ko ang prinsipyo ko. Di kita hiniling pero binigay ka ng creator, kaya lingatan kita. Yan ang nasabi ko sa sarili ko habang pinapanood kitang nakikipaglaro sa mga kapatid kong maliliit pa, gustong-gusto ka ng mga bata at halos ayaw na umalis sa tabi mo, di na tuloy ako makapaglambing sayo. Hinaplos mo ang pagkatao ko, at pinasaya mo ang buhay ko. First time kong matuto magluto ng popcorn, thanks tinuruan mo ko. First time ko din makareceive ng something galing sa taong mahal ko... Yung love letter at yung bracelet mo na alam kong sobrang memorable sayo, kasi binili mo yun sa unang sahod mo sa work. Sobrang saya at nakilala kita. Pero di lahat ng story ay may happy ending. Di naman talaga masaya ang mga bagay na may wakas... Nagbago ang lahat, nakalimutan mo na yata kung bakit ka humahawak sakin. Bigla din syang bumalik kung kelan may anghel na sana tayong kasama. Nag alinlangan ka siguro sa kakayahan ko, at tuluyan mo kong iniwan nung magdrop ako sa eskwelahan. Di ko alam kung rason mo, ni ayaw ko na ring alamin baka mas masaktan lang ako. Iyak, galit, lungkot, selos at sama ng loob... Yan ang tanging naging resulta ng ilang buwan nating pagsasama. Nawala na ang lahat... Pangarap, kasayahan, plano sa future, tawanan, kulitan, lambingan, kwentuhan, selosan, bangayan, asaran at pagmamahalan.... Tumigil ang mundo ko. Tumigil ang mundo ko nung tinawag mo kong... "Kuya, excuse me sukli mo daw!" Imagination lang pala! Makababa na nga awkward...