Free Talk

Insensitive Husband?

Hi, guys! I need advice or anything. Yung asawa ko kasi bagong pasok sa work. Last Monday lang, tapos ngayong araw na to nagpaalam sya kahapon na may swimming sila sa Boso-Boso until 12MN. Sabi ko pumayag ka? Kasi niyaya daw sya. Ang sagot nya nakikisama daw sya. Like, hello? I'm 7 months pregnant. Hindi ako nakakatulog ng wala sya sa tabi ko. For sure iinom sila don tapos may dala pa syang motor. Ano yon? Bakit ganon? Sabi ko pumayag ka "lagi ka nalang nakikisama." Kesyo kailangan nya daw ng ME TIME! Simula naging mag asawa kami at nagka-anak, di naman ako nanghihingi ng Me Time sakaniya kasi sya na yung pahinga ko e. Tuwing pagod at napapagod sya at ang baby namin pahinga ko. Ano kaya yon? Mali bako? Kaiinom nya lang din nung nakaraan. Di sya nagpaalam. Ngayon gusto nya pumunta don kasi magiinom nanaman. Ano bang kulang? Pinapayagan naman sya pero parang umaabuso na. Ayoko naman pagbawalan lagi kasi ayoko ma feel nya yung pagbabawal nya sakin makita friends ko. Ano bang kulang yun? Paano na? Ngayon, grabe iyak ko. Di ko alam kung dahil ba sa hormones ko dahil buntis o ano e. Sobrang nasasaktan ako. Parang naiinvalidate yung nararamdaman ko ganon yung feeling.

Viewed by 5 people
Comment 1
No comments yet. Be the first to share your thoughts.

More Posts to Explore