Unfriended
Hi! Gusto ko lang may paglabasan ng sama ng loob ba or what basta gusto ko lang ng outlet. Sinearch ko yung ka mommy ko sa school ng daughter ko kasi nga nagtataka ako bakit di ko na nakikita mga notes niya at stories then to my suprise, Unfriended na ako. Sinearch ko din yung isa ko pang ka mommy na parang bff niya aba, unfriended din ako. Napaisip ako, bakit kaya? May nagawa ba ako sakanila? Kasi alam ko sa sarili kong wala dahil di naman ako nagpupunta ng school masyado. Gusto ko imessage sana kasi parang ang bigat ng dating sakin na oarang may ginawa ako sakanila. Nung recognition day ng mga kids, okay okay naman kami. Nginingitian pa nga nila ako. Hahaha parang ang plastik lang. Napapaisip ako what if imessage ko sila pareho? Okay lang kaya yun? Well, okay lang naman kung inunfriend nila ako kaso di ko alam papano magiging reaksyon ko if sa darating na pasukan, dun pa din mag aaral yung mga kids nila. Ang awkward nun. well i guess di naman ako dapat ma bother kasi alam ko naman na wala naman ako nagawa sakanila and sila naman yung nang unfriend.