Free Talk

mystory

Hi! I’m 24, turning 25 this year… honestly, I feel so lost na parang napag-iiwanan na ako ng mga kasabayan ko. Some have kids na, some have stable jobs – ako naman, wala pa man lang trabaho talaga. Nung tapos ako ng high school, sinubukan kong mag-apply sa work na irekomenda ng friend ko pero di ako nakapasok. Then recently, sinabi niya na pwede muna akong mag-bantay ng baby – 2 months old pa lang. Sabi ko yes, stay-in pa, weekly 600 pesos plus libre ang pagkain at gamit sa pagligo. My schedule is 6 AM hanggang 5 PM pag-uwi nila magulang. Bago pa umalis ang mommy ng baby, nililigo na niya muna yung bata, which is okay kasi di pa ako sanay magpaligo ng napakaliit na baby – baka madulas kasi milk bath eh, ayoko naman mapabayaan o mabitawan. Pero marunong na ako magbantay: palit diaper, papadedehin pag gutom, papadighayin pag tapos kumain, at super attentive ako sa lahat ng bagay. Kahit maliit na pagbabago sa bata, kinukuwento ko agad sa mommy niya – pati kulay ng poop at oras ng pagdede, may update ako at may pinapadala pa akong pictures. Minsan sobrang antok na ako pero kinakaya ko pa rin kasi responsibilidad ko yung baby. Pagkalipas ng ilang linggo, nagpasya akong mag-enroll ulit para sa future ko. Ayoko na talagang maiwan at baka hindi ako makapagbago ng buhay ko. Bago pa ito, nagbabantay na ako ng 5-year-old baby boy – sobrang malikot, habol lang siya ng habol. Minsan habang nagbabantay ako, napapaiyak ako kasi pagod na pagod na ako, tapos nung nasa hospital pa mama niya (family friend namin yun), ako pa rin ang nag-aalaga. I Remember nung sinabi nya sa akin na baka wag muna ako mag-aral kasi walang magbabantay sa anak niya – totoo naman yun, pero paano na yung pangarap kong makapag-aral? Nung nakauwi na sila galing hospital, sinabi ng friend ko na sabay kami mag-aapply ng work. Okay lang naman kasi mahiyain ako eh, baka mas okay kung may kasama ako. Pinasahan namin ng resume – siya natanggap, ako hindi. Okay lang naman, di ako nagtatampo o naiinggit. Siguro dapat binasa ko muna ng maayos yung resume ko bago ipasa, baka mali yung napasa ko. So inexpect ko na talaga na di ako makakapasok. Then yun na, tinanggap ko na yung alok na magbantay ng 2-month-old baby para may pera ako – kahit papaano may maipon ako para sa tuition. Di ko sinabi sa family friend namin na di ako natanggap sa work at nagbantay na ako ng ibang bata. Alam ko parang masama yun, pero sobrang desperado ako para makakuha ng pera. May tatay naman yung una kong alaga at nandun din ang lolo niya, kaya sabi ko bakit hindi ko na lang kunin yung opportunity. Nung sinabi ko sa bayaw ng friend ko na mag-eenroll ako, tanong niya agad “Goh! Anong kurso?” Sabi ko di ko pa alam – baka pag nakita ko na yung mga pagpipilian, may mapili ako. Di ko naman afford yung Nursing kasi ako lang mag-aaral sa sarili ko, mahal kasi ang tuition. Di rin ako makakapag-scholarship kasi hindi naman ako masyadong matalino. Naghanap ako ng mga libre o mura lang na schools – pero marami dun ang di na tumatanggap ng old graduates, eh 2 years na ako tapos high school, stuck lang ako dati sa pagbabantay ng bata na walang bayad. Yung una may bayad pa naman, pero nung naospital si (mama ng 5 yr old) ate, naputol yung sweldo – naiintindihan ko naman yun, pero naiisip ko lang kung paano ako makakapag-aral. Palagi kong naririnig sa nanay ko na baka di ako matanggap sa trabaho kasi maliit ako – 4’7 lang kasi ako – at di naman ako maganda. Alam ko naman na hindi masama ang nanay ko, baka para lang yun way sa akin na pagbutihin ko ang pag-aaral. Tama naman siya eh – kasi nga maliit ako, dapat talaga pagbutihin ko pa lalo. Ngayon, 2nd year college na ako, Business Administration ang kurso. Pag pinanghihinaan ako ng loob, binabalikan ko lang lahat ng mga nangyari para maalala ko kung bakit ako nandito ngayon. Alam kong parang lame yung kwento ko, pero gusto ko lang ishare kasi sobrang down ako ngayon. Mga kasabayan ko may pamilya na, ako naman… haha! Lame no? Sorry hehh.   #mystory #fighting

Viewed by 3 people
Comment
No comments yet. Be the first to share your thoughts.

More Posts to Explore