WHY?
I actually join this platform to actually express myself ng walang pang huhusga na matatanggap. I know no one knows me here, pero I have a story na talagang mabigat sa puso at hanggang ngayon ay dala dala ko pa din. May tatlo akong anak at mga bata pa sila isang 7 isang 5 at isang 3. All this time, ako palagi ang may consistent na trabaho yung partner ko (hndi kami kasal) minsan may work madalas wala. In short, ako ang bumubuhay samin sa halos walong taon. Okay lang naman sana sakin dahil tinutulungan nya naman akong mag alaga ng mga anak namin at masunurin naman sya sakin. Ang ayoko lang mga sis, may bisyo sya. Lately, na ad*k sya sa sug*l lalo na ang online sug*l na madaling ma access dahil dun palagi na kaming nagkakaroon ng mabibigat na away. Bukod dun nag iiba din ang ugali nya kapag natatalo at hindi ko bibigyan ng pera para makapg laro ulit. Minsan naman pag talagang iiwanan ko na sya, tumitigil sya at nagpapakabait ng ilang linggo pagkatpos ay unti unting bumabalik sa dati. Paulit ulit nlang kami na ganun. Hindi ko na alam sa totoo lang ang mas tamang gawin. Sa buhay mag asawa, hndi naman palaging hiwalayan ang sagot agad. #Buhaymagasawa