1000015772.jpg
Real Review

Feeling Lost

Hi guys ☺️ siguro destined talaga na habang nagsscroll ako makita ko yung ganitong group na pwede ako maglabas ng saloobin ko without judgement. Year 2025 ang harsh ng life sakin, naubos savings, bumagsak ang business, nagkautang sa mga taong nagtiwala sakin, naburn out sa trabaho and ang gulo ng relationship sa pamilya. Ang natitirang swerte ko nalang ata last year is ang asawa at anak ko. This year i tried na makaalis paisa isa sa mga naging problema ko to build myself again. Ang kaso yung motivation ko onti onting nauubos. I tried really hard na pati pagtulog ko sinasacrifice ko na to learn new skills, to open new ideas for business, nagtry ng ibat ibang raket but unfortunately right now hindi ko na alam saan ako mag uumpisa talaga. Masyado na ata akong naooverwhelm sa mga pinag gagawa ko kaya diko na alam ano bang gusto ko mangyari. Nawalan ako ng motivation at ngayon mas gusto ko nalang magpahinga ng magpahinga pero at the same time laging tumatakbo sa isip ko na wala kong karapatan magpahinga sa dami ng problema ko. Feeling lost nanaman. May same situation ba sakin jan? Ano kayang ginagawa mong way para makaalis sa ganitong sitwasyon.

Viewed by 7 people
Comment
No comments yet. Be the first to share your thoughts.

More Posts to Explore