Gcash Card
Just wanted to share this, di ko alam kung matutuwa ako or kakabahan because, kahapon lang ng 12nn biglang may nagtext sakin and then they say na "Ma'am, Good Morning! delivery po!" and hindi ko sya pinansin kasi alam ko sa sarili ko na wala naman akong inorder hanggang sa tinawag ako ng pinsan ko dahil may delivery rider daw sa labas at hinahanap ako kaya medyo kabado ang ate mo gurl. Paglabas ko, sabi nya "Ma'am kayo po ba si Bluhbluh, di po kasi kayo nasagot sa tawag ko, ito po pala yung gcash card na inorder nyo po" then I said "whaaaat? me? pero kuya wala po akong inorder na card from gcash". sagot nya, "wala naman pong bayad yan" tas inabot nya sabay alis. Sobrang di ako makapaniwala na libre ko lang nakuha yang card ng gcash, at talagang buong info ko yung nakalagay sa envelope kaya tinanggap ko nalang. BTW thankyou to that delivery rider na yun at nagkaroon ako ng libreng card. Pero sobrang nag overthink talaga ako kasi nga, may naging problem sa gcash ko kumakailan lang tungkol don sa netflix na 1k+ na ginamit yung gcash card ko as payment so ang iniisip ko is baka pinadala talaga yun ng gcash para masecure yung account no and pati nadin yung card number ko. And that's all skl