Life as a Furparent: Hindi Lang Cute, May Kasamang Worry
Alam mo yung feeling na akala ng iba pet lang sila… pero for you parang anak na din? 🐶 Being a furparent is actually not that easy. Oo cute sila, nakakatuwa, nakakawala ng stress. Pero behind that, may responsibility din talaga. Yung tipong pag tahimik sila masyado mapapaisip ka agad kung okay ba sila. Pag ayaw kumain, parang ikaw yung nawawalan ng gana. Tapos pag nagkasakit sila, grabe yung worry mo kasi hindi naman sila nakakapagsabi kung saan masakit. Minsan mapapaisip ka din kung tama ba yung ginagawa mo para sa kanila — yung pagkain nila, vitamins, gamot, kung enough ba yung care na binibigay mo. Pero kahit ganun, isang tingin lang nila sayo or isang wag ng buntot, parang sulit na lahat. Being a furparent means learning everyday… patience, responsibility, and unconditional love. Kaya sa lahat ng furparents dyan — saludo ako sa inyo. Hindi man sila nagsasalita, pero alam natin na ramdam nila yung pagmamahal natin sa kanila. 🐾