Free Talk

Paggaling

October 2024, I started experiencing something terrifying. Sakit ng ulo at mga kakaibang sensasyon sa ulo ko na di maipaliwanag. Minsan nangingimay, minsan parang tinutusok, minsan parang sasabog. Lumala ito nung December 2024 at dinala ako sa ospital. No proper doctor check up and diagnosis. Nakakainis. Nilagyan lang ako ng swero. Binigyan ng reseta ng vitamins. Pag uwi namin, parang mas lumalala. Nagpa check up ako sa ibang hospital, binigyan ng reseta for pain reliever and vitamins ulit. Nag iba yung pakiramdam ko, pero may pagkakataon na bumabalik pa rin. Hanggang sa nagkatrabaho ako, Feb. 17, 2025. A week after, sumakit ulit ang ulo ko. Hapon yun. Akala ko lilipas. Pero nung patulog na kami, nanginginig na ako. My face muscles were twitching weirdly. Dinala ulit ako sa ospital. This time, the doctor recommended MRI dahil matagal nang paulit ulit yung nangyayari. 22k. Yun ang price ng MRI. Hindi kaya ng sweldo ko o nang asawa ko. The following weeks, kahit masama ang pakiramdam ako ang lumakad para maghanap ng GLs. Hindi makapag absent ang asawa ko. Walang suswelduhin. Wala kaming kakainin. April ko na nakumpleto yung amount na kelangan ko. Underwent MRI. Walang any anomalies na nakita. Thank God! 😇 Rare nang mangyari na magparamdam ulit yung pagsakit sakit ng ulo ko. Eversince nagstart yung mga pangyayaring yun, ang dasal ko gabi gabi ay bigyan pa ko ng mahabang panahon na kasama ang anak at asawa ko. Hanggang ngayon, yun pa rin ang dinadasal ko. I still receive challenges, but His blessings are always greater! 😇

Viewed by 17 people
Comments 10
No comments yet. Be the first to share your thoughts.