Mcdonald's Service Crew
Namimiss ko na maging crew ng Mcdo, where you can break with free food and petiks at the same time lalo na kapag lobby ng gy 😆 Nakakapagod man, pero kakayanin basta tropa mo kasama mo sa shift at hindi yung mga taong kaya kang ibagsak o yung mga taong nanlilisik ang nga mata sayo. Resigned na ko, pero there are times na sana di nalang ako nag resign dahil sa nangibabaw yung emotion at pride ko kesa sa patience ko. Mahirap man pero kailangan ko talaga umalis dahil sa katoxican na sobra sa shift namin. Natuto ako maging palaban dito, na kung saan lahat ng standard procedure ay alam kong gawin (thanks to my CT) para kapag naabutan kami ng observation ng Mcdo, may maibubuga at maibubuga kami. Hindi palaging petiks sa gy. Kapag lobby ka, kailangan mong linisin lahat at ipull out pero kapag di ka pa nagpupull out kailangan mo tumulong sa service habang inaantay mo maubos ang mga tao. Kapag naman counter ka, ikaw magpapunch, mag aassemble, gagawa ng drinks, mag pepresent at mag pupullout sa loob ng service, syempre kasama na doon yung pag stocks mo noh! 😆 Kapag MDS (McDelivery Service) ka naman, Disney Princess ka lang pero syempre ikaw mag punch, mag drinks, mag assemble at mag dispatch (dapat walang kulang/missing products) Syempre gusto nila tinatarak yung nga benta ng MDS😆 Ayun minsan 1:1 (one is to one) kami kasi daw "KONTI LANG" naman daw tao sa gy, which is doon sila nagkakamali. Nakakatawa lang kasi yung manager na nagawa ng schedule is di naman nag sishift ng gy kaya pano nila malalaman kung marami o konti??? plus, mga customer namin sa madaling araw ay mga lasing at mga taong pagod na at nagagalit kasi gusto na nila umuwi. Tsaka skl, nag resign ako dahil sa CT ko dahil hindi na ko komportable na kasama sya sa shift at sa mga wordings nya ay hahayaan na nya kami at di na kami magtutulungan while on duty, kaya nag worry ako na baka pag pumasok ako ay hayaan nya nalang ako mag isa at petiks nalang sya sa gusto nyang gawin. I can't do anything kapag walang katulong kasi paniguradong pag uwi ko ay pagod na pagod ako at exhausted sa mga customers na di din makaintindi na kulang kami sa tao. Ayun lang. Kapag nakikita ko nga pull out ko sa lobby, namimiss ko maging crew ng Mcdo hahahahahahaha SHARE Q LANGZzZZZ