From 4K Steps to 18K Steps 🥹
Hindi ko akalain na kaya ko palang umabot ng 18k steps today. 🥹 Noong January lang, nung nagsimula akong mag-walk, 4k steps pa lang hingal na hingal na ako. Literal na pakiramdam ko noon sobrang hirap na agad. Pero hindi ako tumigil. Unti-unti ko siyang dinagdagan araw-araw hanggang sa nasanay na yung katawan ko. Ngayon, naka 18k steps na ako sa isang araw at napansin ko na hindi na ako madaling hingalin. Mas magaan na rin ang pakiramdam ko, mas may energy at parang mas naging active talaga yung katawan ko. Malaking tulong din na sinabayan ko siya ng Calorie Deficit, kaya napapansin ko rin na unti-unti talagang nababawasan yung weight ko. Hindi man sobrang bilis ng progress pero ramdam ko na may pagbabago at may improvement. Nakakatuwa lang isipin na yung dating nahihirapan sa 4k steps ngayon kaya na ang 18k. Minsan kailangan lang talaga ng consistency at konting tiyaga tapos magugulat ka na lang na mas malakas na pala yung katawan mo kaysa sa iniisip mo. 💪✨ Small progress is still progress. Tuloy-tuloy lang. #FitnessJourney #WalkingJourney #StepByStep #18kSteps #From4kTo18k #ConsistencyIsKey #CalorieDeficit #HealthyLifestyle #ProgressNotPerfection #SmallWins #DailySteps #WeightLossJourney #ActiveLifestyle #FitnessMotivation #KeepGoing