I cheated.
Before you judge me, I want you to know the whole story. First and foremost, until now I hated myself for not being the woman I am projecting sa mga tao. Akala ko, I will never do things that may hurt the people I love. I had a special someone. We are together for five months. And honestly, it was chaotic. Hindi ko nga alam paano ko na survive ang limang buwan na walang emotional support at pure attachments and dependency lang. Hindi naging kami. Sa limang buwan na iyon, akala ko, okay lang iyon. Okay lang abandonahin kapag gusto nila. Okay lang maging logical palagi without thinking about the emotional pain. Okay lang na maging strong palagi kasi nga hindi pwede kay partner maging weak. Oo, ginawa naman niya lahat. Mahal niya ako. Minahal ko siya. Siguro, siguro nakakapagod din iyong araw-araw kayong nag-aaway. Then, that night happened. Nakikipag break na siya sa akin. Sabi ko ayoko. Kaso, wala eh. Ayaw na raw niya. I asked my friend na guy kung nasaan siya. I need someone to talk to kasi hindi ko na kaya. Sabi niya, gusto niya ng private place. Pumayag nalang ako kasi binalaan ko na siya na walang mangyayari sa amin. Masyado akong nagtiwala. Pagkatapos naming mag usap, inakit-akit niya ako. Ilang beses akong humindi dahil nirerespeto ko pa rin ang partner ko at para sa akin, ang pagsama ko sa kwartong iyon ay wala lang dapat. Pero hindi niya naiintindihan ang salitang “No." Sa huli, pumayag lako kahit napipilitan lang ako. Pagkatapos ng gabing iyon, tulala ako. Kinakain na ako ng guilt ay hiya. Mali, nilamon na ako ng guilt at hiya. Feeling ko, ang dumi ko. At dahil kinain ako ng konsensya, naglakas loob akong umamin kahit alam kong masasaktan siya. Ayokong itago. Mas masakit iyon kung sa iba niya malalaman. Sinira ko buong pagkatao niya at ikinahihiya ko ang sarili. Natutunan kong itikom ang bibig sa mga personal na mga problema. Ayokong makaabala pa dahil lang nagkasala ako. Humingi na ako ng tawad sa kaniya at blinock siya sa lahat ng social media ko. None of us wanted that to happen. And I would never forgive myself if it happen again. Sana, sana sa susunod, hindi na mauulit.