From a cat hater to a cat lover
Dati galit na galit ako sa pusa kasi super baho ng poop nila.Lagi kong tinataboy at hinahampas to dati kasi madalas sya dumumi sa mga halaman ko not until nagkaanak ako. My son really loves this PUSA ( Yan po talaga ipinangalan ng anak ko sa kanya đ). Sya talaga nagsabi sakin na "Mama can we adopt this pusa? Syempre wala akong nagawa request ng unico hijo ko kaya hinayaan ko na lang sya mag stay. Hanggang sa unti-unti ko na din syang minahal to the point na pinaghihimay ko pa sya ngayon hindi nya kakainin yung food na bigay mo kung hindi nakahimay đ and yes opo pag gulay ang ulam namin cat food ang pagkain nya. May pagka bida-bida din sya kasi one time may salo-salo dito samin and super daming mga left over fish na konti lang ang bawas. Pinagtatabi ko yon para sa kanya after nya kumain yung hindi nya maubos binitbit nya gamit yung mouth nya tapos sabay lumabas sya sinundan ko nacurious ako ano gagawin nya pagkita ko may pinuntahan syang stray cat tapos inabot nya yung bitbit nyang pagkain grabe sobrang nagulat ako hindi ko inexpect yung gagawin nyang yun đ Kaya mas lalo kong minahal to eh sakin nagmana hindi madamot đ