Rainbow after the rain
Shocks, for the past few months, super max giga extra terrestrial galactic na yung stress ko sa current job ko kahit rendering na lang ako 😵💫 Ang daming recurring issues na talagang nag-push sa’kin na mag-resign na, kahit wala pang sure na back-up plan. Grabe yung anxiety at pagod. Yung acid reflux ko, mas mataas pa sa height ko 😭 Araw-araw akong kinakain ng negative thoughts. Pero sobrang blessed ko kasi my sister has been so supportive and punong-puno ng pag-asa for me 🥹 Kung hindi dahil kay sis, baka certified hopeless emo girl pa rin ako hanggang ngayon. And now… nasa meeting siya with her boss, offering me a permanent remote job 😭 Hindi siya yung tipong madaldal, pero magugulat ka na lang nirereto ka na pala niya sa company nila. She really knows my struggles habang pinagsasabay ko yung current work at job hunting 😫 Thank You talaga, Lord ❤️ For blessing me with such a loving and selfless sister 🥹 Hindi ko man feel na deserve ko, pero sobrang grateful ako 🙏🏻🫂 ✨JOB DUST din po for all jobhunters at GENUINE HAPPINESS DUST para sa mga taong nagmamahal sa atin ng tapat✨
- lifeupdate
- sisterlove
- jobhunting