IMG_6291.jpeg
Free Talk

Red Flag 🚩 🚩 🚩

Girls, alam nyo yung nakakainis? Yung mga lalake na sila na nga ang may kasalanan, tapos pag kinonfront mo nang maayos, sila pa yung galit. Like, sasabihin mo lang naman, “Bakit ganon yung ginawa mo?” Tapos biglang ang sagot, “Eh ikaw kasi…” Ha? Ako na ngayon? 😂 Imbes na mag-sorry or umamin, babaligtarin pa yung sitwasyon. Biglang ikaw na yung masama, ikaw na yung toxic, ikaw na yung nag-ooverthink. Tapos ang ending, ikaw pa yung magso-sorry kahit ikaw yung nasaktan. Minsan iniisip ko, defense mechanism ba ‘to? Pride? Ego? O ayaw lang talagang ma-expose na nagkamali sila? Kasi mas madaling magalit kesa umamin ng mali. Mas madaling mang-gaslight kaysa mag-take ng responsibility. Ang sakit lang kasi hindi mo naman sila inaaway. Gusto mo lang i-fix yung issue. Pero parang kapag na-call out sila, feeling nila ina-attack mo pagkatao nila, hindi yung action nila. Real talk? Nakakapagod yung ganon. Yung gusto mo ng healthy communication pero ang nakukuha mo, reverse psychology at emotional manipulation. At some point mapapaisip ka nalang, “Worth it pa ba ‘to?” Kasi ang relationship, hindi dapat palaging may winner at loser. Dapat marunong umamin, marunong makinig, marunong mag-adjust. Hindi ka OA. Hindi ka praning. Gusto mo lang ng respeto at accountability. And honestly, kung hindi marunong mag-own up sa mistakes ang isang tao, malaking red flag yun. 🚩

  • Redflag
  • Gaslighting
  • Responsibility
Viewed by 34 people
Comments 14
No comments yet. Be the first to share your thoughts.