Avoidant
Minsan ngayon mo lang mare-realize na may mga taong “avoidant” hindi dahil wala silang nararamdaman, kundi dahil hindi nila kayang harapin ang takot nila. Yung tipong mas pinipiling mang-ghost kaysa magsabi ng totoo. Yung push and pull… okay ngayon, bukas parang wala ka na naman. Hindi sila duwag dahil masama sila duwag sila dahil hindi pa sila healed. Hindi pa nila kayang i-hold ang bigat ng emosyon, kaya tumatakbo sila. Masakit? Oo. Nakakababa ng self-esteem? Sobra. Napapatanong ka tuloy kung may mali ba sayo. Pero pakinggan mo ‘to, Mi walang mali sayo. Ang taong hindi kayang ipaglaban ang feelings niya, hindi mo responsibilidad i-fix. Hindi mo kailangang maghabol. Hindi mo kailangang magmakaawa para piliin ka. Ang pinakamagandang move? Self-love. Ibalik mo yung confidence na nawala. Ayusin mo sarili mo hindi para magselos siya kundi para maalala mo kung sino ka bago siya dumating. Glow up, inside and out. Kapag nakita ka niyang masaya kahit wala siya… Kapag nakita niyang naggo-glow ka… Kapag ramdam niyang hindi ka na bothered… Doon papasok ang realizations niya. Doon siya mapapatanong sa sarili niya. Doon unti-unting papasok ang guilt. Pero by that time, ikaw na ang mas malinaw ang isip. Ikaw na ang mas buo. Ikaw na ang hindi na basta-basta mawawala sa sarili mo. Kung babalik man siya, hindi na dahil hinabol mo kundi dahil nakita niya ang value mo na matagal mo nang alam. At tandaan mo: Ang taong para sayo, hindi ka gagawing multo sa sarili mong kwento. Pipiliin ka niya nang malinaw, hindi lang kapag convenient.✨
- Selflove
- Love
- Relationship