Ang buhay at pagkatao ko
Parang kailan lang mga babies palang sila hirap akung iwanan sila sa bahay, gusto ko katabi sila at inalagaan sila,, ngaun malaki na sila nagkaroon na nang sariling mundo, hindi na sila mayakap at makatabi sa pagtulog, at hirap na rin Silang makasama sa ibang sitwasyon at kalagayan, sooner or later iba na ang kanilang level sa buhay at sa bandang huli maiisip mo na magisa ka nalang sa loob nang bahay at naghihintay nalang sa paguwi nila. Marami Mang dumating na pagsubok at mga pagsubok na pinagdaanan mapapaisip ka at maiisip mo lalo kung anong kabuluhan sa buhay at makikita o naiintindihan nalang na ganito pala ang silbi ko habang nabubuhay at heto na ang narating ko na nasubok n ng panahon sa kahit anong pagsubok o problema ng hinarap, nagiging aral araw araw ang pangyayari sa nakaraan, tumatatag o mas tumibay ang kalooban na sa kung ano pa man ang nakaabang sa hinaharap ay hindi na basta basta natitinag o masisindak sa kung ano pa ang mangyayari nakahanda na sa ano pang sitwasyon na hindi inaasahan at madaling tanggapin kahit na masakit pa ito, dahil lahat may dahilan at rason pra sa ikabubuti at makakasama sa atin habang nabubuhay. Sarap balikan ang buhay na naging bata pa tayo.