Quiet reflections 🚐
Every time magulo ang utak ko o madami akong iniisip, sumasakay ako sa jeep at hinahayaan ko lang kung saan ako dalhin hehe. Habang bumabyahe, napapansin ko yung mga tao sa paligid. Iba’t iba ang kwento nila, may mga pagod, may mga masasaya at may mga malulungkot, makikita mo sa mga mata nila. It helps me to stay humble and grateful kasi doon ko mas naiintindihan na kahit may pinagdadaanan ako, hindi lang ako ang nahihirapan, may iba pang may mas malalaking problema. Hindi ko naman ini-invalidate yung sarili ko pero ito kasi yung coping mechanism ko. Sa totoo lang, yung simpleng moment na ‘to sobrang nakakatulong sa mental health ko, nakakapag-clear ng isip, nakakatanggal ng stress, and to remind me na normal lang na may iba’t ibang emosyon tayo. Personal feedback ko lang, minsan, kailangan mo lang mag-stop for a bit at i-observe ang paligid para ma-reset ang utak at ma-practice yung mindfulness kahit sandali lang. 😊