fe1edfad-ea4f-4fdc-bcf0-6829ac504c0a.jpg
vvvv.jpg
1/2
Free Talk

BPO Challenges That Made Me Stronger in Corporate Life

BPO was my first job, kaya doon ako unang nahasa sa shifting schedules, walang fixed rest day, at minsan mandatory pa ang RDOT. Konting late, absent, o maliit na mali sa calls, may NTE agad, kaya kailangan laging perfect ang AHT. May mga araw pa na delayed ang sahod or two gives ang salary, kaya ang hirap mag-budget. Naranasan ko rin yung maburnout, mapagod, at yung feeling na parang wala na akong clear direction sa career. Ngayon na nasa corporate na ako for my third job, ibang iba na. May steady routine, real weekends, on-time salary, at wala na yung constant pressure ng TL or QA. Lahat ng hirap na pinagdaanan ko sa BPO, hindi ko na nararanasan ngayon. Mas magaan, mas organized, at mas aligned sa gusto kong growth. At habang hinahanap ko pa rin kung ano ba talagang path na para sa akin, grateful ako kasi yung BPO journey ang nagturo sa akin ng disiplina, resilience, at patience na dala ko hanggang ngayon. #CareerJourney #BPOExperience #CorporateLife

  • Corporate
  • WorkStruggles
  • BPO
Viewed by 24 people
Comments 3
No comments yet. Be the first to share your thoughts.