One fine day
Every gising is indeed a big blessing... Yan ang aking mantra dahil totoo na ang bawat pag mulat ng ating mga mata ay isa ng malaking biyaya. Yung magising ka, habang ang iba ay hindi na nabigyan ng panibagong bukas, ay isa sa mga dahilan bakit kahit anong mga pag subok ay kakayanin dahil may purpose pa tayo sa mundo, dahil nagising pa tayo. Isa sa mga nakaka tulong sa aking road to healing ay ang pag labas, at i appreciate kung ano ang mga nakikita ko. Tulad ng black cat na ito, na tila na mamahinga sumandali at tumambay sa harap ng pinto ng isang saradong bar sa San Juan. Ang black cat na ito ay isang reminder sa akin to be resilient in life, tulad ng stray black cat na ito, na pilit lumalaban din sa buhay. Let's try to appreciate the goodness and beauty of life, let's see the blessings sa paligid, hindi natin alam baka may mensahe ito sa atin, tulad ni Blackt, ang black cat sa pinto. #MentalHealthMatters #appreciationinlife