IMG_1224.jpeg
IMG_1225.jpeg
IMG_1226.jpeg
1/3
Real Review

Rating what I ate at Fusion Alley, Sampaloc Manila

Sinubukan namin ang dinadayo na Ugbo 2.0 or mas kilalang Fusion Alley sa Sampaloc, Manila. Malapit ito sa UST at talagang madaming pumupunta para matikman ang mga nag tre trending na pagkain sa social media. At dahil plant-based tayo, nag hanap ako ng pwede ko makain, at buti na lang andun yung sikat na Tofu Squares. May dalawang sauces na pag pipilian, yung white sauce na mayonaisse daw ang base at yung pesto sauce. May pa free taste kaya makaka pili ka kung anong sauce ang gusto mo, at pinili ko na nga ang pesto sauce. In fairness, ok naman sa akin yung lasa ng tofu, pero pag walang sauce parang bland sya (well ganun naman ang lasa ng tofu diba) pero baka mas ma improve pa nila yung lasa nung mismong tofu. Masarap yung pesto sauce at masasabi ko na authentic naman ang lasa. Syempre dahil mainit at madaming tao, nag hahanap ako ng refreshing drinks, at buti nakita ko yung Sugarcane Juice stall. Aliw nga yung staff kasi pinapaikot ikot pa nya yung tubo na parang nasayaw to attract attention, pero refreshing at masarap naman talaga yung drinks nila. Pag pupunta pala kayo sa Fusion Alley, siguraduhing comfortable ang suot kasi mahaba talaga yung street at madaming food choices. If mahilig ka sa mga ihaw-ihaw, mga trending food siguradong magugustuhan mo dito. Open sila from 4:00pm to 12 midnight Mondays to Sundays. If feel mo mag FT or Food trip subukan nyo din dito :) #foodtrip #fusionalley

  1. Tofu Squares at the Fusion Alley, Sampaloc Manila

    Not bad
    Price ₱95

    Tofu Squares with Rice, pesto sauce yung pinili ko, pero yung loob ng tofu nde malasa. For Php 95 sulit na sya kasi mabubusog ka naman talaga. Crispy on the outside yung tofu, masarap naman yung pesto sauce 8/10 ang ratings ko dito

  2. Sugarcane Juice

    Worth it
    Price ₱80

    Super sarap nitong sugarcane juice sa Fusion Alley, sulit yung large size for Php 80 Fresh din yung mga tubo na ginamit sa juice Mas mura compared sa ibang nag titinda ng mga drinks sa Fusion Alley I will definitely comeback para bumili ulit ng Sugarcane juice nila 10/10 ratings

Viewed by 37 people
Comments 5
No comments yet. Be the first to share your thoughts.

More Posts to Explore