1000001238.jpg
1000001236.jpg
1/2
Free Talk

Through Ups and Downs: A Friendship That Stays Forever 🤍

These are my girls. Hindi naging madali yung journey ng friendship namin kasi dumaan din kami sa mga tampuhan at hindi pagkakaintindihan. Pero alam ko at ramdam ko na hindi dun nagtatapos ang samahan naming tatlo. Si Kimberly at Crissa, sila yung bestfriends ko since high school. Sila yung tipo ng tao na kapag gusto kong lumabas, isang chat lang, andyan agad. Kapag nagugutom ako, si Kim yung unang kasama ko kumain, at syempre ganun din ako sa kanila. Sila yung kasama ko sa lahat sa tawa, sa iyak, sa lahat ng kalokohan at seryosong bagay sa buhay. Kahit sa mga down moments, andyan sila para sumuporta. Minsan, pati mga magulang namin, nakikisuporta at nagpapaalala na alagaan namin ang isa’t isa. Kaya kahit gaano karami yung misunderstandings, at kahit ilang beses kaming hindi magkaintindihan, at the end of the day, alam ko na nandito pa rin kami para sa isa’t isa. Ang dami na naming pinagdaanan love life issues, family problems, personal struggles pero lagi naming pinipiling lumaban nang magkasama. Kaya sobrang blessed ako to have found this kind of friendship. Sana rin, kayo, makahanap kayo ng mga kaibigan na hindi kayo iiwan, na sasamahan kayo kahit sa pinakamahirap na parte ng buhay niyo. Because at the end of it all, tunay na kaibigan ang kasama mo hanggang dulo. 🤍

Viewed by 1 person
Comment
No comments yet. Be the first to share your thoughts.

Posts You May Like