IMG_0769.jpeg
Free Talk

Solitude

Dahil sa sobrang ingay na ng mundo, marami sa atin ang gustong umakyat ng bundok para makaramdam ng panandaliang katahimikan. Sa bundok ang madidinig mo lang ay mga huni ng ibon, ang sipol ng hangin, makikita din ang pag sayaw ng mga damo at dahon ng puno, ang pag kaway ng sikat ng araw at pag daan ng mga ulap. Ang payapa sa pakiramdam, pero bago mo ito lahat maranasan ay kailangan mong mag sakripisyo, kailangan mong umakyat. Ang katahimikang nadudulot ng solitude ay hindi mabibili ng pera, ito ay nakaka tulong hindi lang sa pisikal na pangangatawan kundi sa pang espiritwal. Malaking bagay ang mga oras ng katahimikan para ako ay makapag "reflect" sa aking buhay, ma appreciate ang lahat ng biyaya at magkaroon ng lakas para harapin muli ang bagong araw. #solitude #metime #mentalhealth

Viewed by 5 people
Comments 4
No comments yet. Be the first to share your thoughts.