Healthy Snacks
If mapapadaan kayo sa Ayala Malls Circuit Makati, makikita nyo malapit sa kuhaan ng visa yung Gourmet Farms Express. May full blown restaurant talaga sila sa Tagaytay na nasubukan ko na din minsan, pero nakakatuwa na may express shop sila dito sa Makati. Harvested talaga from their farm yung mga greens at dressing, may mga pastries din sila at coffee and tea. Pero ang lagi kong binabalikan ay ang kanilng Malunggay Juice at yung Shake Shake Frutti Salad na perfect pag ikaw ay on the go lagi. Mabait din yung kanilang staff at pwede ka mag dine in sa kanilang express shop, minsan nga daw may pa buy 1 get 1 sila on certain days. Kaya if nag hahanap ka ng mga healthy snacks, subukan nyo na din dito sa Gourmet Farms Express. #healthysnacks
Shake Shake Frutti Salad
Price ₱200Worth itRecommended storeSecond time ko ng bumili ng Shake Shake Frutti Salad kasi nasarapan talaga ako. Ang unique din ng concept kasi nasa pang juice yung salad, tapos nasa loob yung kanyang dressing. Refreshing sa taste buds yung combination ng fruits and veggies. This is highly recommended sa mga mahilig sa salad tulad ko
Malunggay Juice
Price ₱120Worth itRecommended storePrice point very reasonable kasi talagang natural yung mga ingredients. Sakto yung lasa kahit pure malunggay sya. Refreshing at talagang perfect sa mga nag hahanap ng alternative sa sodas