OD's Bangus Sardines Pasta
Favorite namin ang Overdoughs Cafe sa Circuit Makati, kasi bukod sa masarap ang food ang babait pa ng staff. Lagi kong inoorder ang Bangus Sardines Pasta, kasi talagang nakaka busog at lasang lasa mo yung freshness ng mga ingredients. Hindi overpowering yung flavor ng bangus sardines, hindi makati sa dila, walang after taste, kaya ma eenjoy mo talaga. Isa din sa reasons bakit binabalik balikan namin yung OD Cafe ay dahil sa kanilang mga staff. Yung iba sa staff nila ay "differently abled" may hard of hearing, may talagang deaf. Natuto na nga din ako ng basic sign language for saying thank you, when requesting for ice at yung usual na hand sign for letters. Kahit hindi ka naman marunong mag sign language, magkakaintindihan pa din kayo ng mga staff, ituturo mo lang yung gusto mo i order at mag senyas ka if pang isa or pang dalawa, if dine in or to go. Talagang ang sarap suportahan ng mga ganitong businesses na talagang nakaka tulong, nakaka pag bigay ng opportunities sa mga taong may kapansanan. #overdoughscafe #bangussardinespasta
Bangus Sardines Pasta
Price ₱180Worth itRecommended storeServing size is very reasonable if hindi ka malakas kumain pwede na syang good for two. Fresh yung mga ingredients, lalo na yung sundried tomatoes lasang lasa yung flavor. Yung amount ng bangus sardines saktong sakto lang sa dami ng noodles. Hindi nakaka umay, maganda din yung texture ng noodles, aldente, hindi sya soggy. Overall, this Bangus Sardines Pasta is highly recommended lalo na sa mga nag hahanap ng alternative na variations ng pasta.