IMG_0739.jpeg
IMG_0740.jpeg
1/2
Real Review

Ma Dao Vietnamese Rolls

Pang 5th time ko ng bumibili sa Ma Dao sa may SM Makati at hindi pa din nag babago yung quality ng kanilang mga rolls. Two years ago nag decide ako na hindi na talaga kumain ng beef, pork at chicken, I am transitioning for the animals, pero hindi ko pa din maiwasang kumain ng fish at ibang seafoods tulad ng shrimp. Kaya nung nakita ko itong Shrimp roll sa SM Makati, sabi ko may go to snacks na ako, masarap kasi sya at nakaka busog naman talaga. Ang generous din ng serving kaya pinapa cut into 4 ko para yung matitira pwede ko pa kainin mamaya. Nakakatuwa dito sa Ma Dao kasi pwede ka pumili ng dipping sauce, ako yang sweet and spicy fish sauce ang lagi kong pinipili, may peanut sauce din kasi sila pero hindi ko masyadong gusto 😅 Try nyo din dito sa Ma Dao SM Makati if nag hahahap kayo ng authentic vietnamese food na pasok sa budget at masarap talaga. #vietnamese #freshrolls

  1. Shrimp only roll

    Worth it
    Recommended store
    Price ₱101

    Customized order itong Shrimp Rolls from Ma Dao, Vietnamese kiosk sa SM Makati offering authentic rolls, salad and Bahn mi, pinaalis ko yung chicken na kasama. Ang fresh ng ingredients at talagang lasa mo yung authentic Vietnamese flavor. Kailangang kainin lang ito agad kasi dumidikit na yung rice wrapper pag pinatagal. Sulit naman sya sa price point nya, 2 rolls na yung nabili ko for only Php 101. Ang sarap din ng dipping sauce na sweet and spicy fish sauce. Overall, ang refreshing ng food, perfect sa mga tulad ko na nag hahanap ng alternative sa salad.

Viewed by 23 people
Comments 7
No comments yet. Be the first to share your thoughts.