rayover_2025-09-26T16:08:29.355Z
rayover_2025-09-26T16:08:54.830Z
1/2
Free Talk

Senior HS Friends

I wanna introduce my friends sa holy child catholic school, sila yung circle ko at ang tagal rin namin hindi nagkita kita. After ilang years finally nagsama sama ulit kami. Walang nagbago, kung ano yung samahan na nabuo namin noon, ganon pa rin hanggang ngayon. Hindi lang sila kaibigan para sakin, kundi pamilya na palaging nandyan sa tuwing kailangan o may problema ang bawat isa. Sila yung maaasahan sa lahat ng bagay kaya sobra sobra yung tiwala namin sa isa't isat. Sasamahan ka sa ups and downs mo, pag broken ka, nandyan agad sila dadamayan ka. Kahit problema sa bahay sama sama namin nilalagpasan, sila ang tinatakbuhan ko palagi. Sakanila rin ako nagsusumbong pag nasasaktan ako kaya sobrang grateful ako sakanila. Ngayon, tumatanda kami at iba iba na priorities namin pero kahit ganon hindi pa rin kami nakakalimot sa isa't isa. Ayan ang family/friendship na kailangan natin lahat at kahit kailan mananatili akong nandito para sakanila.

Viewed by 11 people
Comment 1
No comments yet. Be the first to share your thoughts.