c3b38d91d7f92a288a0708384cc4a859.jpeg
7f561dceda528f356e168df7a47a7a4a.jpeg
1/2
Free Talk

A Birthday to Remember 🎉❤️

Gusto kong i-share sa inyo ang naging ganap sa 18th birthday ko. Hindi ko talaga in-expect na masusurprise ako ng boyfriend ko, lalo na bilang estudyante siya. 🥹 Hindi ko akalaing magagawa niyang ibigay sakin ang bouquet at cake na matagal ko nang gusto. Sobrang saya ko that day kasi kasama ko ang mga mahal ko sa buhay. Wala mang 18 roses o 18 gifts, ang importante para sa akin ay healthy ako. Honestly, hindi naman talaga ako naghahanda tuwing birthday ko kasi wala kaming budget, kaya ang simpleng cake ay malaking bagay na para sa akin. Cake lang kasi sapat na para maramdaman kong espesyal ang araw ko. Kaya nung tinupad ng boyfriend ko na magkaroon ako ng cake sa mismong 18th birthday ko, sobra akong naiyak sa tuwa. 🥹✨ Grabe, ang swerte ko sa kanya kasi ginagawa niya lahat para mapasaya ako kahit last money niya, handa niyang gastusin para lang makita akong nakangiti. Ganun niya ako kamahal. 🥰 Thankful din ako kay Lord kasi binigyan niya ako ng partner na parang si papa. Laging handang magsakripisyo para lang sa ikakasaya ko. Kaya sobra akong nagpapasalamat, both kay Lord at sa boyfriend ko, kasi sinamahan niya ako through ups and downs, pati sa mga zero days ko. Sobrang blessed at lucky ako to have him. Feeling ko talaga, I’m the luckiest woman in the world! 💕 #LoveWins

Viewed by 20 people
Comments 7
No comments yet. Be the first to share your thoughts.