Nature trip with Friends🌱💨
Last week, nag-nature trip kami ng tropa. Madalas talaga kaming magkakasama tuwing weekend, kaya kahit biglaang yaya lang, natutuloy din palagi. Konti lang kami pero solid na ang saya namin! 🫶 Umalis kami ng 7am at nakarating sa Kanyakan River around 9am. Dapat uuwi na kami bandang 5pm, pero may isa sa amin nagyaya pa pumunta sa Montalban, Rizal kasi daw maganda ang view. Pagdating namin doon, nalungkot lang kami kasi late na at sarado na pala yung lugar. No choice, umuwi nalang kami kahit napakalayo pa ng biyahe. Pero kahit ganun, sobrang saya pa rin kasi kasama ko yung mga tropa ko. Sulit ang pagod basta’t magkakasama. Hindi mo talaga ramdam ang pagod kapag andyan yung mga taong mahalaga sayo. 🥹✨ Gabi na nung pauwi na kami at sobrang dilim ng daan mula Rizal papuntang Bulacan. Halos wala nang streetlights at ilaw lang ng motor namin ang guide. Nakakakaba pero dahil magkakasama kami, nagiging adventure pa rin ang lahat. Safe kaming lahat na nakauwi at yun ang pinaka-importante. Super memorable ng experience na ‘to, hindi lang dahil sa ganda ng nature, kundi dahil mas napapatibay nito ang samahan namin bilang magkakaibigan. 🫂💛 Babalik-balikan namin ang Bulacan dahil sa dami ng rivers dito na perfect for nature trips! #Bondingwithfriends #Naturelover