The Silent Battles Within
Palpitations, sudden shortness of breath, dizziness yan yung ilan sa mga symptoms ko kapag na trigger na ako ng anxiety and panic attacks. Hindi ko alam kailan sya mararamdaman, minsan ang saya saya ko lang kumakain with my family tapos biglang may kakaiba akong mararamdaman at ayun na, nag pa panic attack na pala ako. I was diagnosed with Generalized Anxiety 2 years ago. Ang alam ko ang trigger ko talaga ay pag may kakaiba akong naramdaman sa sarili ko, concerning my health. Yung dating hindi ko naman nararamdaman pero ngayon na fi feel ko na. I tried to consult a Psychiatrist once, pero it was not a pleasant experience. Feeling ko I was just like a number na need nila ma fill in, walang sense of "healing" gusto nila painumin lang talaga ako ng gamot, which is ayaw ko, ayokong maging dependent sa any synthetic medications. Today, may mga occasional triggers pa din, pero I am coping up, I decided to try Holistic approaches, Natural alternatives to help me in my condition. Nature heals, I am a strong believer of that. Kaya gustong gusto ko yung mga places na may madaming puno at halaman. I connect with them, and I feel better. #anxiety #panicattack #mentalhealth