More Than Just Teammates
I want to introduce my teammates, my family. Hindi kami magkaka-edad, iba-iba rin ang year level namin: may 1st year, 2nd year, 3rd year, at mga senior nila kami. Ngayon, ito na ang last year namin sa PMI Colleges dahil graduating na kami. Isa ito sa pinaka-memorable na parte ng college life ko dahil dito ako nakilala ng maraming tao, nagkaroon ng kaibigan, at higit sa lahat, isang pamilya. Hindi lang kami basta teammates. Iba yung bond at friendship na nabuo namin parang tunay na pamilya. Lagi kaming nagtutulungan, sa laro man o sa kahit anong bagay. Walang samaan ng loob, panalo man o talo, ang mahalaga ay nag-eenjoy kami sa ginagawa namin. Ano man ang mangyari sa future, alam naming may babalikan kami. Hindi matutumbasan ng kahit anong bagay ang relasyon na nabuo namin kahit sa maikling panahon lang. Walang bata, walang matanda lahat kami pantay-pantay at may respeto sa isa’t isa. I’m truly grateful to have these people in my life. I will never forget them. 🤍 #OneFamily #Collegefriends