rayover_2025-09-12T09:11:02.847Z
Free Talk

DIY Flower arrangement

Hi, share ko lang tong DIY flower arrangement na ginawa ko. Honestly, hindi talaga ako magaling sa DIY, pero para sa akin, ang ganda ng kinalabasan ng gawa ko. 🌸 Nakakatuwa at sobrang nakakahappy pala ang ganitong activity parang instant mood booster habang inaayos ko yung mga bulaklak at dahon. Ang pinaka-special pa dito, lahat ng ginamit ko ay galing lang sa mga scraps. Imbes na itapon, inayos ko lang hanggang sa maging isang table piece na may bagong buhay. Ang sarap sa feeling na may nagawa akong décor na hindi lang simple at cute, kundi may sariling kwento rin kung paano siya nabuo. Napaisip tuloy ako parang mental health din. Minsan, nakakaramdam tayo ng pagod, lungkot, o parang "scraps" na lang yung natitira sa atin. Pero sa konting tiyaga, creativity, at self-love, pwede rin tayong bumangon at buuin muli ang sarili natin. Hindi natin kailangan ng bonggang bagay para maging masaya, minsan sapat na yung mga simpleng bagay na nagbibigay ng peace at joy. 💐✨ Ngayon, tuwing tinitingnan ko yung flower arrangement na ito, nare-remind ako na may beauty at hope kahit sa mga bagay na parang wala nang halaga. #SelfCareJourney #EmotionalWellness

  • #HomeDecor
  • #TablePiece
  • #EcoFriendlyDIY
Viewed by 9 people
Comments 3
No comments yet. Be the first to share your thoughts.