IMG_6614.jpeg
IMG_6612.jpeg
1/2
Free Talk

Stop Over with a Golden Sunset

Sa gitna ng pagbiyahe namin papaluwas ng Maynila, somewhere sa Tarlac, naisipan naming mag-stopover para makapagpahinga. Pagbaba namin, ito agad ang bumungad sa amin — isang napakagandang tanawin ng araw na unti-unting lumulubog sa likod ng mga ulap, habang nakatayo ang mga damong parang sumasayaw sa hangin. Ang simple pero napaka-ganda ng eksena. Hindi ko maiwasang kunin agad ang phone ko para makunan ng litrato, kasi sa tuwing nakakakita ako ng sunset, parang natural na reflex ko na ang mag-capture. Pero higit pa sa larawan, iba talaga ang pakiramdam. May kung anong gaan sa dibdib, parang natatanggal lahat ng bigat at pagod sa katawan. Sa mga ganitong pagkakataon, nare-realize ko na hindi mo kailangang malayo o gumastos ng malaki para maramdaman ang ganda at saya. Minsan, sapat na ang huminto, tumingin, at damhin ang biyaya ng kalikasan — lalo na ang sunset na parang laging may dalang panibagong pag-asa.

  • #GoldenHour
  • #SunsetLovers
  • #NaturePause
Viewed by 2 people
Comment 1
No comments yet. Be the first to share your thoughts.