Where Memories Meet Nature: Enchanted Cave, Bolinao
Marami na talagang nagbago sa Enchanted Cave mula nung lumaki ako sa Bolinao. Dati, simpleng lugar lang ito para sa amin—perfect spot para mag-chill kasama ang mga friends at cousins, lalo na pagkatapos ng mga party. Minsan, may tirang pagkain pa, kinabukasan binabaon namin para may-snack habang nageenjoy sa malamig na tubig ng cave. Ang saya ng simpleng bonding na iyon, puro tawanan at kwentuhan habang nilalaro ang tubig. Ngayon, sobrang ganda na talaga ng lugar. May entrance fee na, pero justified naman dahil naayos nila ang paligid, mas malinis, at mas ligtas na rin para sa mga bibisita. Ang tubig, tulad ng dati, ay nakakarefresh—parang bawat paglusong mo ay nagre-recharge sa katawan at isipan. Bukod sa lamig at linis ng tubig, ang cave mismo ay may kakaibang ambiance—parang naglalakad ka sa natural na kuweba na may touch ng magic. Isa ring slice ng childhood memories ko to at natural wonder na hindi basta-basta makikita kahit saan. 🌊
- #EnchantedCave
- #BolinaoPangasinan
- #ChildhoodMemories