rayover_2025-08-27T11:38:59.731Z
Real Review

Moisturized at Sun-Safe with Nivea

Hindi ka talaga magkakamali sa Nivea. Matagal-tagal ko na ring ginagamit itong Body Milk at masasabi kong isa ito sa mga pinaka-sulit na skincare essentials ko. Ang lambot ng balat ko tuwing ina-apply ko siya—parang instant moisturized at alagang-alaga agad. Madalas ko siyang ginagamit tuwing gabi bago matulog para mas ma-absorb ng skin habang nagpapahinga, pero ang maganda dito, meron na rin siyang SPF 15. Kaya kahit lumabas ka sa araw, may dagdag proteksyon ka pa rin laban sa sunlight. Ang isa pa sa pinaka-nagustuhan ko, sobrang dali niyang i-apply at mabilis ma-absorb ng balat. Walang lagkit at hindi mabigat sa pakiramdam, kaya komportable siyang gamitin kahit araw-araw. Para sa akin, perfect siya for everyday use—nakaka-soften ng skin, nagbibigay ng hydration, at may sun protection pa. Kaya naman masasabi kong sulit at reliable talaga ang Nivea Lotion Intensive Moisture Body Milk. Nakuha ko din eto ng sale half of the price if you want abang lang din kayo!✨

  • #NiveaBodyMilk
  • #SunProtectedSkin
  • #NiveaLotion
Viewed by 3 people
Comments 2
No comments yet. Be the first to share your thoughts.