IMG_0689.jpeg
IMG_0677.jpeg
IMG_0678.jpeg
IMG_0679.jpeg
1/4
Free Talk

Simple Joys 💕

Naranasan mo na din bang manalo sa "Claw Machine" sa Timezone? diba ma papatalon ka talaga sa saya pag may na claw ka tapos nahulog dun sa butas? 😊 Kami ng mga pamangkin ko ay naging libangan ang pag tambay sa claw machines ng Timezone sa Ayala Malls Circuit Makati tuwing Sunday. Claw Machine gang ang tinawag namin sa aming group. Yung batang lalaki ay si Jacob, at yung kasama namin ay si Alliah. Si Jacob ay tila may angking swerte sa Claw Machine kasi yung mga little dino na nakikita nyo sa photos ay sya ang nakakuha nyan. Aliw na aliw talaga ako at ginawa ko na ngang bag charms (anong sinabi ni Labubu dyan hehehe).. pero syempre hindi lahat ng oras ay nananalo sa Timezone, minsan talaga uuwi ka ng walang dala. Ganun pa man, masaya pa din na mag try ng kapalaran sa claw machine, kasi minsan talagang makukuha mo yung tinatarget mo na plushies, talagang sasamahan mo ng diskarte at syempre manifestation na din 😊 #plushies #timezone

Viewed by 1 person
Comment
No comments yet. Be the first to share your thoughts.

More Posts to Explore