Pet Groomer 💕
Nakita ko si kuya sa isang Pet Grooming Shop sa Greenhills. Kung makikita mo talagang masinsin nyang ginagawa ang kanyang trabaho, at talagang naka focus sya sa fur baby na kanyang ginugupitan. Malaking bagay talaga ang isang pet groomer para sa ating mga fur parents, kasi katuwang natin sila sa pag ma maintain ng grooming ng ating mga fur babies. Ang grooming ay napaka importante sa health din ng ating mga fur babies, para iwas kulot or "matting" ng kanilang balahibo, para luminis ang tenga nila, magupitan ang mga nails, at ma toothbrush din sila 😊 Dapat as a fur parent maging mapili din tayo sa mga grooming shops at groomer para ma make sure na safe at na aalagaan ang ating mga fur babies. Kung may budget naman talagang monthly mas mainam yung pag papa groom natin sa mga fur babies natin. Kung hindi naman kaya monthly, kahit yung mga basic pwede naman natin gawin sa bahay like nails trimming at pag lilinis ng kanilang tenga. Sana lang laging isipin ng mga groomers yung welfare ng ating mga furbabies. 😊 #petgroomer #grooming