Busog at Satisfied
May na-discover kami ng partner ko na inasalan dito sa Naic, Cavite, at sinubukan naming kumain doon. Super satisfied naman kami kasi hindi kinulang sa service at mabilis din i-serve ang pagkain. May unlimited rice pa sila kaya busog na busog ka talaga. Mabait at approachable din ang mga crew, kaya ang gaan ng pakiramdam habang kumakain. Kahit hindi siya kilalang brand tulad ng Mang Inasal, yung lasa ng chicken nila ay halos kapareho rin. Malasa, juicy, at talagang sulit sa presyo. Maganda rin ang quality ng kanin nila, hindi tipid at laging mainit. Ang ambience ng restaurant ay may old-style inasal vibes, kaya mas may dating ang kainan. Overall, sobrang worth it ang experience namin dito. Siguradong babalik pa kami ng partner ko para ulitin.
Inasal
Price ₱139Worth itMaganda ang quality ng chicken dahil juicy at malasa ang timpla. Fresh din ang kanin at laging mainit. Talagang halata na maayos ang mga ingredients na gamit nila.
- New discover