Barista Dog
May isang coffee shop sa Malolos Bulacan na talagang nag trending dahil sa mga stray dogs na pinapasok nila nung kasagsagan ng ulan. Nung pumunta kami na meet ko yung Barista Dog kung tawagin, si Brownie. Medyo shy type nga si Brownie nung time na yan at may sipon sya, pero nakita ko naman kung paano sya alagaan dun sa coffee shop. Added attraction kasi talaga ang mga fur babies sa mga business establishments, isang paraan din ito para mapalaganap yung awareness na maging mabuti sa mga strays. Ang nakakatuwa pa ang babait ng mga strays talaga, may ilang mailap gawa siguro ng "trauma" sa buhay, pero itong si Brownie alam mong masaya sya sa role nya bilang Barista Dog sa coffee shop at willing naman syang mag pa pet. Madaming strays na nangangailangan lang ng pang unawa, hindi man natin sila magawang iuwi para kupkupin sa ating mga tahanan, pwede natin silang bigyan pa din ng magandang buhay sa simpleng pag trato sa kanila ng tama. #strays #dogsofrayover