Messenger_creation_14C06D41-88BE-44A8-9D51-ECED7E9F96CE.jpeg
Free Talk

Dynamite

Kanina nagluto ako ng dynamite para sa meryenda at sobrang saya ko sa kinalabasan. Simple lang gawin-nilagyan ko ng meat at extra cheese sa loob ng siling haba, tapos binalot sa lumpia wrapper. Pinirito ko hanggang maging golden brown at crispy. Pagkagat mo, ramdam mo agad yung init at lutong sa labas. Sa loob naman, sobrang juicy ng meat at ang sarap ng melted cheese na halong-halo ang lasa. Sakto lang yung anghang, dagdag kilig sa bawat bite. Pinartner ko pa sa malamig na inumin kaya perfect snack talaga. Ganito pala kasarap pag fresh at gawa sa sariling panlasa.

  • Meryenda
Viewed by 18 people
Comments 12
No comments yet. Be the first to share your thoughts.

More Posts to Explore